Komunidad na
nagsisimula sa
pag-unawa.
Ang Electrical Engineering Philippines ay isang independent educational community para sa mga gustong mas maintindihan ang electrical engineering at electrical safety.

Para kanino ang EEP?
Para sa mga electrical practitioner, REE, RME, PEE, estudyante, at mga mambabasang gustong linawin ang mga konseptong nakikita sa bahay, sa pag-aaral, o sa trabaho.
Pinagsasama rito ang mga paliwanag tungkol sa protection, grounding, motors, power quality, measurements, at circuit analysis. Mayroon ding professional updates na may link sa opisyal na source.
Bakit may website?
Madaling matabunan ang isang post sa social feed. Ang website na ito ang lugar para balikan ang EEP content, hanapin ang isang paksa, at basahin muli ang paliwanag kasama ang mga references nito.
Kasama sa bawat archived post ang caption, available na original media, at Facebook link. May 12 na-recover na published posts at Reels sa kasalukuyang archive. Hindi pa ito kumpletong export ng buong Facebook Page.
Buksan ang post archivePag-aaral na may
tamang konteksto.
Ang conceptual illustration ay hindi actual field measurement. Ang international technical reference ay hindi awtomatikong Philippine code requirement. Makikita sa mga post ang ganitong pagkakaiba, pati ang petsa at mga source na ginamit.
Para sa actual installation, testing, o maintenance, sundin ang naaangkop na code, manufacturer instructions, safe-work procedures, at assessment ng qualified electrical professional.
Independent ang EEP. Hindi ito opisyal na website ng PRC, IIEE, o anumang ahensiya ng pamahalaan.
Administrasyon
at corrections.
Pinamamahalaan ang EEP website at content archive ni Jon, administrator ng Electrical Engineering Philippines community.
May maling detalye, bagong advisory, o concern sa attribution? Isama ang article link at source na dapat naming tingnan. Para sa correction, copyright concern, o privacy request, gamitin ang nakalistang channel sa Contact page.
Makipag-ugnayan sa EEP